NATIONAL NEWS NAPOLES, ITINATAGO NG MGA MAMBABATAS Posibleng - TopicsExpress



          

NATIONAL NEWS NAPOLES, ITINATAGO NG MGA MAMBABATAS Posibleng itinatago ng mga mambabatas at ng iba pang pulitiko si Janet Lim-Napoles, na itinuturong ‘utak’ ng P10-billion pork barrel scam, upang hindi ito mahuli at ‘kumanta’ kung sino ang mga taong nakinabang sa nasabing scam. Sa panayam ng Abante kay Gabriela partylist Rep. Luzviminda Ilagan, sinabi nito na maraming nakinabang na malala­king tao sa raket umano ni Napoles kaya malamang na may tumutulong dito para hindi mahuli ang tinaguriang ‘pork barrel scam queen’. “Sa dami ng nakinabang sa raket ni Napoles, itatago siya para hindi kumanta. Big names ang sangkot. Big money din ang kikilos para hindi lumutang o mahuli si Napoles,” ani Ilagan. Matatandaan na ibinulgar ng whistleblower na si Benhur Luy, pinsan at dating staff ni Napoles, na limang senador at mahigit sa 180 kongresista ang nakipagtransaksyon kay Janet para sa pagpapalabas sa kanilang pork barrel sa mga pekeng non-governmental organizations (NGOs) na binuo ng kanyang dating amo. Bunsod nito, iminungkahi ni Ilagan na dapat ding subaybayan ang lahat ng mga taong nakinabang sa kanya lalo na ang mga mambabatas sa pangambang sila ang nagtatago sa kanya. Aniya, upang mapadali ang paghahanap, hindi lamang sa mga posibleng lungga ni Napoles ito hanapin kundi sa mga balwarte ng mga taong nakinabang dahil nangangamba ang mga ito na kumanta si Napoles at madamay pa ang mga ito sa nasabing anomalya. Marami ang makakasuhan Nagbabala kahapon si Pangulong Benigno Aquino III na maraming taong makakasuhan sa pork scam. Ito ang ipinahayag ni Pangulong Aquino matapos tanungin sa isang ambush interview sa Mandaluyong City kung may mga senador at kongresistang makakasuhan sa pagpapagamit ng kanilang pork barrel fund sa pekeng NGOs ni Napoles. “Medyo mahaba-haba ‘yung listahan e, ano, at alam naman ninyo gusto kong maging precise. ‘Yung ‘pag handa na o sinampa na ‘yung kaso doon ko na lang sana ia-announce para wala naman tayong tina-trial by publicity,” ayon sa Pangulo. Tiniyak naman ng Chief Executive na matibay ang kasong isasampa nila sa mga taong bumaboy sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund ng mga mambabatas upang sa ga­yon ay magsilbing ehem­plo ito at hindi na pamarisan ng ibang tao. Samantala, naniniwala si Akbayan partylist Rep. Walden Bello na hindi na kailangang mag-imbestiga ang Kamara sa nasabing isyu dahil marami umano sa kanila ang sangkot dito kaya dapat na lamang ipaubaya ito sa National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ). kitty:)
Posted on: Wed, 21 Aug 2013 18:40:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015