NEWS ABROAD OFWs sa Yemen ‘di pa gagalawin (AC) Kampante pero - TopicsExpress



          

NEWS ABROAD OFWs sa Yemen ‘di pa gagalawin (AC) Kampante pero inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy workers na nakabase sa Yemen na magpatupad ng ibayong pag-iingat kasunod ng seryosong banta ng pag-atake ng al-Qaeda. Nauna dito ay iniutos ng US government sa kanilang mga kababayan na lisanin ang Yemen dahil sa tinanggap nitong intelligence report na nakaambang terror attack ng teroristang grupong al-Qaeda at puntirya ang bansang Yemen. Kumpara sa naging hakbang ng US ay kumpiyansa ang DFA na hindi pa kailangan ang paglikas ng mga Pinoy sa Yemen. Sa halip ay pinayuhan ng gobyerno sa pamamagitan ni DFA spokesman Atty. Raul Hernandez ang mga manggagawang Pinoy sa Yemen na maging alerto at iwasan muna ang matataong lugar. Dahil sa magulong sitwasyon ay isinailalim na ng DFA sa alert level 1 ang Yemen.
Posted on: Thu, 08 Aug 2013 01:46:41 +0000

Trending Topics



:30px;">
Plugin for FL..ဒီpluginေလးကElectro
List of Duas !! Please Remember me in your duas jazakAllah khair
Greater Dunedin? Yes....we think so. Supporting the Greater

Recently Viewed Topics




© 2015