Ramon Magsaysay (1953-1957). Si Magsaysay ang secretary ng - TopicsExpress



          

Ramon Magsaysay (1953-1957). Si Magsaysay ang secretary ng National Defense sa ilalim ng administrasyong Quirino. Kanyang iniligtas ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya" na naging sanhi ng kanyang pagiging sikat. Ilan sa kanyang mga nakamit ay ang mga sumusunod: Ang pag-iimprove ng standard living sa pamamagitan ng panggawa ng mga irrigation system, tulay, balon at kalsada; pagsasakatuparan ng pagamit ng Barong Tagalog sa mga opisyal at sosyal na gawain na dati ay itinuturing na damit ng mahirap, pagtatatag ng SEATO (Southeast Asia Treaty Organization), isang regional politico-military aggregation, noong 18 Setyembre 1954; negosasyon sa Japan ukol sa war reparation agreement kung saan ay huling nilagdaan sa Manila (ang bansang Japan ay magbabayad ng war reparation fee na nagkakahalaga ng $ 300,000,000 sa loob ng 25 taon) at ang San Francisco Treaty, kung saan opisyal na nagpawakas sa bansang Japan at Pilipinas mula sa estado ng digmaan. Siya ang "pinakamamahal" na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng marami sa pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang plane crash na bumangga sa isang bundok ng Manunggal, Cebu noong 17 Marso 1957. Mga Statistiko ng Pilipinas noong panahon ni Magsaysay: Population 21.4 million (1954), GDP Php 157,054 million (1954) Php 179,739 million (1956), GDP Growth Rate: 7.13 % (1954-56 average), Income Per Capita: Php 7,339 (1954); Php 8,073 (1956), Total Exports: Php 36,462 million (1954) Php 34,727 million (1956), Unemployment Rate: 11.2 % (1956), at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: Php 2.00 = $1.
Posted on: Tue, 02 Jul 2013 09:53:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015