Residente Maynila, nag-panic dahil sa ‘oil spill’ by Johnny - TopicsExpress



          

Residente Maynila, nag-panic dahil sa ‘oil spill’ by Johnny Arasga Jun 23, 2013 9:23am HKT NABABAHALA ngayon ang libu-libong residente ng Maynila, lalo na ang mga naninirahan malapit sa Ilog Pasig, matapos kumalat ang masangsang na amoy ng kemikal na dulot ng oil spill. Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, nagsimula silang makatanggap ng ulat ukol sa nasabing pangyayari nitong gabi ng Sabado. Batay sa ulat, ilan sa mga lugar na apektado ay ang Brgy. 890, Pandacan, kahabaan ng United Nations at ang malapit sa Malacañang. Hinihinala ng awtoridad na maaaring nagkaroon umano ng butas ang malalaking oil depot na matatagpuan sa Pandacan, Manila na kumalat sa ilog. Agad namang sumaklolo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang kinatawan ng mga ahensya ng pamahalaan. Sa ngayon, sinabi ni Lim na prioridad nila ang kapakanan ng mga mamamayan, habang isusunod na rin ang imbestigasyon sa naging sanhi ng tumagas na langis. remate.ph/2013/06/residente-maynila-nag-panic-dahil-sa-oil-spill/#.UcZR1Jzn7IU -Admin Angel
Posted on: Sun, 23 Jun 2013 02:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015