Sa nakalipas na ilang linggo ay naging maingay ang ilang grupo sa - TopicsExpress



          

Sa nakalipas na ilang linggo ay naging maingay ang ilang grupo sa paghingi sa ating pamahalaan na tanggalin na ang pork barrel o PDAF na binibigay sa bawat congressman at senador. Ito ay nag-umpisa dahil sa nabukong iskandalo tungkol sa pagnakaw diumano ng grupo ni Janet Napoles ng mahigitkumulang na P10 bilyon mula sa mga pork barrel ng iba t ibang senador at congressman. Kumbaga, sa halip na mapunta sa tamang mga proyekto atpagtulong sa mga nangangailangan ang pera ay napunta ito sa iilang mga hindi totoong NGO na ginawa ng grupo ni Napoles. Nakakalungkot pa rito ay habang nangyayari ang imbestigasyon patungkol dito ay lumabas naman ang samu t saring mga video at website na nagpapakita kung gaano kaluho ang pamumuhay ng pinakabatang anak ni Napoles. Marami tuloy ang nagalit na sa dami ng taong patuloy na nagugutom sa ating bansa ay paano nagkaroon ng lakas ng loob ang pamilyang ito nagumastos ng milyun- milyon para sa isang party na ang pera namang ginagastos nila ay hindi naman sa kanila? Bawat taon ay binibigyanng P70 milyon na pork barrel ang bawat congressman at P200 milyon naman bawat senador. Para sa impormasyon ng marami, hindi napupunta ang pera sa kanila dahil ang hala gang ito ay puwede lamang nilang sabihin kung ano ang paglalagyan at paggagamitan. Halimbawa, puwedeng sabihin ni Congressman Xna sa kanyang pork barrel ay maglalaan siya ng P10 milyon para magpatayo ng classrooms para sa kanyang mga pampublikong mga paaralan. Ang siyang gagawa ng classroom ayang lokal na pamahalaan o ang DPWH. Nangyayari ang pagnanakaw kapag naging kakuntsaba na ni mayor si congressman kung saan ay walang nangyaya ring proyekto o kaya naman ay napakabulok ng ginagamit na materyales sa proyekto para makatipid at mas malaki ang maging kita nilang dalawa. Ganito ang diumano y nangyari sa sitwasyon ni Napoles kung saan ginamit ang ilang mga mayor para ipasok ang pera sa mga NGO o foundation na gawa-gawa lamang nila. Sa aking palagay, kung hindi talaga kaya ng atingpamahalaan na mabanta yan ng maigi ang paggamit ng pork barrel, maganda sigurongitigil muna ito ng pansamantala hanggang magkaroon ng sistema kung saan madaling malalaman ng taumbayan kung paano ba talaga nagagamit ang pondong ito na para naman talaga sa ating lahat. Hindi biru-biro ang halagang nawawala rito at sa aking palagay ay mas marami pang kalokohan ang nangyari tungkol dito na hindi pa nababalita. Ikaw ano sa palagay ninyo? Kailangan na nga bang tanggalin ang pork barrel at itigil na ito?
Posted on: Wed, 02 Oct 2013 20:33:46 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015