TATLONG HULING HABILIN NI ALEXANDER THE GREAT - TopicsExpress



          

TATLONG HULING HABILIN NI ALEXANDER THE GREAT KAKAibang hari si Alexander ng Macedon (356-323BC). Nag-aral siya sa ilalim ni pilosopong Aristotle. Kanya ang isa sa pinakamalawak na empire ng sinaunang panahon – Ionian Sea hanggang Himalayas. Pati Persian Empire at India ay sinakop. Naipanalo niya lahat ng sagupaan, kaya kinilalang isa sa pinaka-matalas na commanders sa kasaysayan. Pinayabong niya ang kultura ng mga inokupang lugar at nagtayo ng mahigit 20 siyudad sa pangalan niya, pinakatanyag ang Alexandria sa Egypt. Namatay siya habang naghahandang lusubin ang Arabia. Habang naghihingalo, nagbigay si Alexander the Great sa kanyang mga heneral ng tatlong huling habilin. Una, bubuhatin ng mga pinakatanyag na doctor ang kanyang kabaong. Tapos, ipamimigay ang kayamanan niya habang ipinoprusisyon patungong sementeryo. Huli, ilalaylay ang kanyang mga braso sa gilid ng kabaong ng stretcher. Nang usisain nang pinakamalapit na heneral, ipinaliwanag ni Alexander ang symbolism: “Nais ko ipabatid na sa bingit ng kamatayan ay wala nang bisa sa paggamot ng pinakamahuhusay na doctor sa mundo. Gayundin, na lahat ng nakamit ninoman na kayamanan sa mundo ay iiwanan din sa mundo. Nais ko ipakita sa madla na isinisilang tayo na walang laman ang kamay, at aalis sa mundo nang gayun din.” Pahabol ni Alexander: “HIGIT SA LAHAT, SA PAG-UGOY-UGOY NG AKING MGA BRASO HABANG INILILIBING, MAIPAPABATID KO NA NAUPOS NA ANG AKING PINAKAPINAHAHALAGAHAN NA YAMAN-----ANG PANAHON.” Apurado si Alexander sa pagpapalawak ng empire mula sa kahariang minana sa amang King Philip II. Namatay siya sa edad 33. PARA SA KANYA, WALANG SAYSAY ANG MATERYAL NA KAYAMANAN. MAHALAGA SA KANYA ANG BAGAY NA LIMITADO AT HINDI MABIBILI: PANAHON!
Posted on: Fri, 30 Aug 2013 08:08:37 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015