Wattpad Boys: Joshua By EijeiMeyou [WB: JM6] JM’s - TopicsExpress



          

Wattpad Boys: Joshua By EijeiMeyou [WB: JM6] JM’s POV “Pst,” yun lang ang pagbati ko sa mga kaibigan ko sa cellphone. Naka-conference call kami ngayon. “Ang saya nung nasa beach, oh,” boses iyon ni Amiel. “Baka naka-score,” sabi naman ni Xhin. “We just talked,” masaya pa ring sabi ko sa kanila. Narinig ko ang pagtawa ni Eph, “ganyan din ang sinabi ko noon nang magsama kami ni Ashley but we just didn’t talk, okay?” “Iba ako sa inyo.” “One point or zero pa rin?” tanong ni Ethan. Tumingin muna ako sa loob ng bahay, baka kasi biglang lumabas si Claw at bumokya na naman ang score ko sa kanya. Okay na kami kagabi, eh, dapat sulitin na. Uuwi na kami bukas, “one point.” “You kissed?” hysterical na tanong ni Raph. “Raph, shut up,” pigil ni Xhin, “you kissed?” Nagsimula na namang magkontrahan ang dalawa pero kahit ganun, masaya pa rin ako. “We just talked and it was okay. For me, one point na iyon.” “Laos,” parang nakikinita ko na ang reaksyon nila, lahat umiikot ang mga mata. “Mga panira kayo ng diskarte, bye na nga,” pinatayan ko agad sila. “Nandiyan na ba yung order natin?” kinukuskos pa ni Claw ang tuwalya sa ulo niya, katatapos lang niyang maligo. Na-late kami ng gising, eh, kaya sama-samang breakfast, snack, at lunch na ang in-order namin. Na-late ako ng gising kakaisip kung paano ko ba siya sisimulang kausapin at kumbinsihing seryoso talaga ako sa kanya. “Wala pa, five minutes na lang siguro.” Hindi ko maiwasang tignan siya mula ulo pababa. Lagi ko naman siyang nakikitang ganun ang suot sa amin pero iba pa rin talaga kung ikaw lang ang taong nakakakita sa kanya ng ganun. Natigil ang pagmumuni-muni ko nang may tumatawag mula sa labas ng cottage. “Ako na,” kusa ni Claw. Pinigil ko siya, “ako na,” at lumabas na ako. Binuksan ko na lang ng maluwang ang pinto. “Order po niyo, boss,” sabi ng isang bigotilyo na hindi naman mukhang delivery boy. “Wow, ang ganda naman ng misi niyo, boss,” sabi pa niya. Lumingon ako, kitang-kita pala si Claw mula sa pinto na nagpupunas pa ng buhok. Bigla ko tuloy gustong sipain palayo itong delivery boy sa harapan ko. “Don’t look at her, she’s mine,” kinuha ko ang order. “Kaw naman, boss, di ko naman aagawin si Ma’am. Sa tingin mo, may panama ako o kung sinumang lalake sa iyo? Mas bagay kayo, oh,” sabi na naman niya. Alam kong inuuto lang niya ako pero kahit papanu, nabuhayan ako ng dugo doon, “tingin mo?” napangiti ako. Binigyan ko siya ng tip. “Nga pala,” tawag ko ulit sa delivery boy, “hindi ko siya asawa, ‘magiging’ pa lang,” at sinara ko na ang pinto. “Nagutom tuloy ako,” pakli ni Claw habang pinupusod pataas ang buhok niya. “Upo ka na, kukuha lang ako ng kutsara’t tinidor na hindi plastic,” pakiramdam ko ay para kaming mag-asawa na nagha-honeymoon. *** Khloe’s POV “Upo ka na, kukuha lang ako ng kutsara’t tinidor na hindi plastic.” Napasunod ang tingin ko kay JM. Bakit nga ba ang bait-bait niya sa akin kahit na puro kasamaan na lang ang pinapakita ko sa kanya? Parang di man lang niya dinaramdam ang kung ano ang mga sinasabi at binabato ko sa kanya. Tinatanggap niya iyon ng nakangiti. “Naman, baka matunaw ako niyan,” nakatawang sabi niya sa akin sabay abot ng kutsara’t tinidor. Ngayon ko lang napansing nasa harapan ko na pala siya. “H-Hindi, ah,” at tumingin na agad ako sa pagkain. Doon ko na lang tinuon ang atensyon ko. “Mukhang masarap, hmm,” inamoy ko pa ang usok na nanggagaling sa mga yun. “Damihan mo kakainin mo, oh,” lagay lang ng lagay si JM sa plato ko. “JM...” bulong ko na mukhang di niya narinig. “JM,” ulit ko na medyo nilakasan ko pa. “Hmm?” “Tigilan mo na yan,” nakayuko lang ako sa plato ko. “Anong titigilan ko?” parang di man lang niya alam ang epekto ng mga ginagawa niya. “Wag kang masyadong magpakabait sa akin... baka hanap-hanapin ko.” “Pero--“ “Kain na tayo,” pinasigla ko ulit ang boses ko at sinimulan ang pagkain. Alam kong nakatitig lang siya sa akin pero hindi ko na lang iyon pinansin. Baka humaba pa ang usapan at sa huli, ako lang naman ang masasaktan. Kung pagpapakatanga na nga siguro itong ginagawa ko, ngayon lang naman, hindi na mauulit, ngayon lang talaga. Pagbalik sa amin, susubukan kong bumalik sa dating ako. Yung iwas na iwas sa isang lalakeng nagngangalang JM. Binilisan ko ang pagkain at nagpaalam ulit sa kanya na lalabas lang. Kaliligo ko lang pero gusto kong maglunoy sa tubig ngayon. Nakapag-apply naman na ako ng sunblock kaya hindi na dapat ako mag-alala kung umitim man ako. Patuloy lang ako sa pagflo-float sa medyo may kalalimang parte ng tubig, medyo malayo na rin iyon pampang nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si JM na nakaupo lang sa di kalayuan. Kumaway pa siya sa akin. Ngumiti na lang ako. Tumingin ako sa langit, napakaaliwalas niyon, ni walang ulap na makikita. Huminga ako ng malalim, “you’re being stupid again,” kausap ko sa sarili ko, “magsawa ka naman,” pumikit ako ng mariin at nag-ipon ng hangin sa baga ko at pinalubog ang sarili ko sa tubig. Nagmulat ulit ako sa ilalim ng tubig, maaliwalas pa rin ang langit. ‘Ngayon lang talaga,’ kumbinsi ko sa sarili ko bago lumutang ulit. Nilapitan ko si JM. “Bakit di ka lumangoy?” tanong ko sa kanya. Magaling din kasi siyang lumangoy. “Mamaya na,” nakangiting sabi niya. “Balik ka na dun.” “Mamaya na lang din, mamumulot na lang ako ng pebbles, kunti lang, remembrance,” nag-peace sign pa ako sa kanya. Bawal kasi ang mamulot pero ano lang ba ang konti lang. May nakita akong batong kumikislap sa paanan ni JM. “Ang cute, oh,” pinulot ko iyon at pinakita sa kanya. Hugis puso iyon kaya lng ay hindi matulis ang ibabang parte, medyo may bitak din sa itaas, ‘parang puso mo lang,’ bulong na naman ng intrimitidang parte ng utak ko. Sa huli ay napagkatuwaan naming mamulot ng iba’t ibang hugis na bato ni JM. Ang sabi niya, ilalagay daw niya sa tambayan nilang magbabarkada. Ako naman, idi-display ko lag talaga sa table ko para naman magka-inspirasyon ako sa pagsusulat at para na rin laging maalala na minsan sa buhay ko, nakasama ko si JM ng hindi masyadong nagkakasagutan. Oo, minsan lang. Huli na ‘to.
Posted on: Sun, 28 Jul 2013 14:07:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015