pa post uli mga kapatid HOROSCOPE Agosto 26, 2013 Ni Madam Rosa - TopicsExpress



          

pa post uli mga kapatid HOROSCOPE Agosto 26, 2013 Ni Madam Rosa (Pilipino Star Ngayon) Pagtitibay: Gaano man ang udyok ng bibig, supilin. Huwag hayaang dumumi ang iyong puso. Dahil kung ano ang lumalabas sa bibig ay siyang laman­ ng kalooban. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Nababagay ngayon ang pakikisalamuhang sosyal. Hu­wag paalpasin kung may paanyayang matatanggap. May pagkakataon na makakatagpo ang soulmate o twin-flame. Lucky numbers at color for the day ay 9, 13, 37, 38 at maroon. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kahit masakit sa kalooban, paglabanan ang gustong bilhin dahil sa kakapusan ng pera. Dapat lamang unahin ang kailangan ng tahanan bago ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 33, 42 at yellow. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Huwag mag-init ang ulo o maging emosyonal dahil puputaktihin ka ng trabaho. Ngayon ma­ipapakita ang kaalaman at kahusayan na hahangaan ng mga kasamahan o ng boss. Lucky numbers at color for the day ay 5, 7, 13, 31 at tangerine. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Dis­yembre 21) – Kailangan ang disiplina sa sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Magiging mapusok ka at kung hindi mapaglalabanan, malalagay ka sa alanganing sitwasyon. Pag-aralan at pag-isipan ng mabuti ang mga bagay bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 32, 42 at ocean blue. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero­ 19) – Ang paglilinis ng kapaligiran sa tahanan o pinapasukan ay magbibigay ng kaligayahan sa sarili. Iwasan ang tsismis upang hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 29, 39 at jade green. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Magpakahinahon, timba­ngin at pag-isipang mabuti bago magsalita o humatol upang maiwasan ang magkamali at makasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 16, 33 at pink. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Magiging masuwerte ka sa anumang uri ng negosyo kapag nakapagsimula ngayon. Malakas at malaki ang kikitain kung ikaw ay freelancer. Kung gaano ka kasuwerte sa negosyo ngayon, kabaligtaran naman ang mga pangyayari sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 10, 24, 37 at blue sapphire. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Ang pakikiisa ay naaayon sa panahon at pagkakataon kaya dapat itong samantalahin ngayon. Panahon na upang humingi ng tawad kung may kasalanan at magpatawad kung may nagkasala. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 33, 42 at white. TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May gantimpalang nakalaan sa pagbibigay ng abuloy sa tamang taong mapagbibigyan. Ang serbisyong sibiko ay magiging pangunahin sa isipan at kung gusto ay mapaglalaanan ng panahon at maisasakatuparan. Magiging masuwerte kung kikilos kaagad at gagawin ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 28, 38 at dollar green. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang gawain na hindi nagawa o napansin noon ay may daan na matatapos ngayon. Magiging malakas ang magneto ng pakikipagsapalaran subalit ang masusing pag-aaral bago pumalaot ay kailangan upang hindi magsisi sa bandang huli. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 12, 27 at beige. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Huwag ipagwalang bahala ang responsibilidad na nakaatang sa balikat at dapat harapin ng buong tatag. Mag-isip at maging mahinahon sa anumang ginagawa o gagawin nang maiwasan ang magkamali. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 17, 37 at aquamarine. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Iwasan ang mag-init ang ulo at maging mahinahon dahil puno ng kamandag at magiging mabagsik ang Leo sa araw na ito. Iwasan ang magbiro at mangantiyaw ng tao upang malayo sa gulo. Libangin ang sarili sa pagbabasa o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 33, 40 at scarlet.
Posted on: Mon, 26 Aug 2013 01:51:35 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015