tama ba ang corporal punishment? ang maging isang guro ay - TopicsExpress



          

tama ba ang corporal punishment? ang maging isang guro ay hindi isang laro. turu turuan...saway sawayan..sulat sulatan....ito ay isang propesyon na pinaglalaanan ng panahon at dedikasyon.panahon at pagtitiyaga para sa mga bata., na kung pagmamasdan mo lang isa isa..makikita mo at mauunawaan ang nilalaman ng kanilang mga murang isipan.iba ibang pag uugali. may makulit, may madaldal., may tahimik, may palakaibigan, may mahilig mang away,may masipag magsulat, may masipag magwalis,may ayaw tumayo sa kinauupuan at iba iba pa.nakkakatuwa at nakakawala ng pagod kapag pinaikot mo ang iyong mundo para sa kanila. sa araw araw na pag ikot ng mundo anim na oras kaming magkakasama.ganun at ganun ang takbo ng buhay ng isang guro at hanggang sa hindi na namalayan na may puti na pala ang aming mga buhok. may magulang bang hindi namamalo? siguro nga meron pero mas marami pa rin ang nais ng disiplina kaya pinapalo ang kanilang mga anak sa tamang pamamaraan.kami ,bilang pangalawang magulang ng mga batang ito, pwede rin bang mamalo ng bata? ahhh,,,hindi... kasi kung kaya pang habaan ng husto ag pasensiya, gagawin namin ito ng uong makkakaya namin. ang tanging obligasyon namin bilang isang tagapagturo ay magturo sa mga kabataan, una na lahat ay ang kabutihang asal, mga asignatura at pagmamahal sa kapwa at sa mga bagay bagay sa kanilang paligid.. oo. ipokrita ako kung sasabihin kong di ako namamalo.. pero yun pagpalong may pagmamahal at pagkalinga. pag papaalala sa tuwina na kaya sila naasa paaralan ay upang mag aral at matuto. hindi upang makipaglaro sa katabi at makipagkwentuhan. ako at sampu ng ibang kabaro ko ay hindi nag nanais na manakit ng mga mag aaral., sapagkat ang mga batang ito sa pag usad ng panahon ay unti unting napaplapit at napapamahal sa amin. sila ang aming inspirasyon, sila ang nagbibigay lakas at sigla sa amin.para sa kanila kaya kami bumabangon..kayo alam ba ninyo kung ano ang damdami ng isang tunay na guro?
Posted on: Sat, 03 Aug 2013 10:50:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015