Despite the busy sched,i always find time to do my hobby.I am - TopicsExpress



          

Despite the busy sched,i always find time to do my hobby.I am writing a romance novel this time far from my suspense-thriller stories.I hope id finish this before december ends. Revisions...revisions... Never Say Die Pagudpud Ilocos Sur, 2010 Nagsisikip ang dibdib na muling inilibot ni Bryce ang kanyang paningin sa paligid ng resort. And again,that heart breaking pain sliced her in the inside. The things she’s seeing now were all new to her. The people, the staffs, and the cottages were no longer the same as they were before. The facilities, even the function areas were all modernized with a touch of Mediterranean feel. No more trace of the old Hidden Beach Resort. How long had it been? Three years? Yes, it’s been three years and the resort had made a remarkable change. She sighed as she stepped out from her car. She was about to approach the man passed her by to ask something when realization hit her in the mind. If all these things her eyes were seeing now had their transformation, does that mean….? Her eyes grew wide as her heartbeats began to race. Without thinking, Bryce immediately took off her expensive boots and ran near the shore to confirm her fear. As she came passed by the coconut trees to the white fine sand the resort was offering, her faltering heartbeats changed its rhythm into violence she could feel it hammering against her ribcage. Like a slow motion in a movie, her fast steps began to slow down as her line of vision saw nothing there…only scattered coconut trees giving shed to the beach goers. Raw pain, disappointment, frustration, they all came to Bryce like a comet they seemed to smash her heart out to pieces. Her eyes began to stung she could not stop her tear ducts from opening.Parang ulan na nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. The nipa hut was no longer there. Not even a fragment of it can be seen around to where it had been standing before. And just like the uprooted nipa hut, her heartbeats died for few unnerving moments. “Kapag nawala na ang kubong ito,ibig sabihin,hindi na natin mahal ang isa’t-isa. Ibig sabihin, hindi tayo ang para sa isa’t-isa” tumingala mula sa pagkakasandal sa dibdib ni River si Bryce.Bahagyang ngumiti sa binata. “Kung ganoon,gagawin ko ang lahat upang huwag masira at mawala ang kubong ito.Hinding-hindi ka mawawala sa akin,honeyko” masuyong hinaplos ng mga daliri ni River ang pisngi ng dalaga. “I love you…” she whispered. Hinuli niya ang kamay ng binata at hinagkan iyon. “I love you more,honeyko. I will never get tired of telling and showing you how much…” bulong nito habang buong pagmamahal na tumitig sa mga mata niya.Their eyes locked for seems an eternity until his face slowly went down to her. Bryce closed her eyes and waited for the kiss. When his lips finally descended on hers, she realized right there she would never have the capacity of loving any other man…only him. Napapikit ng mariin si Bryce sa mga piraso ng ala-alang iyon. Wala na ang kubo,ngunit naroroon pa rin ang tatak niyon sa kanya.Naroroon pa rin at tumitibok para sa kapirasong mga ala-ala. CHAPTER ONE Pumikit-dumilat ang mga mata ni Bryce mula sa pagkakatitig sa lalaking bumababa sa hagdanang bato patungo sa kanyang tinutuluyang town house. Upang makasigurong totoo at hindi aparisyon lang ang nakikita ay kinusot-kusot pa niya ang mga iyon. Nang muli niya itong tingnan ay naroon pa rin ang lalaki,bahagyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Hindi siya multo…? “R-River?! Oh,tell me that’s not you!” nabulol sa pagkagulat na sambit ni Bryce.Hindi lang gulat,mas angkop ang sabihin na manghang mangha ang dalaga sa biglaang pagsulpot nito at pansumandaling hindi malaman kung sasalubungin ba ang lalaki o uupo na lang siya at hintayin itong makababa. Si River ba talaga ito? Ano’ng nangyari sa dalawang taon at mukhang masyado itong minahal at inaruga ng panahon? Sa naisip ay kaagad na tumaas ang mga daliri ng dalaga at dinama ang mukha,baka nagmamantika na iyon dahil kakatapos lang niyang maglinis sa loob ng kabahayan.Pati buhok niya ay hindi pinaligtas ng kanyang pandama. Shucks! Ang gulo ng buhok niya! Pasimpleng sinuklay niya iyon ng kanyang mga daliri pagkatapos ay natutulalang muli na napatingin sa binata habang tila ito diyus-diyosan na bumaba mula sa Mount Olympus upang ipamukha sa kanya ang laki ng iginanda ng hitsura nito. He even managed to flashed her his equally lethal smile which had made her heart skipped a beat. Skipped a beat?E Napapano ka,Bryce?Si River lang iyan,hello? “Bryce!” he called her name.Nang marinig iyon ay natauhan ang dalaga. Nakita niyang ilang hakbang na lang pala ang layo ng binata sa kanyang kinatatayuan.Nakalapit ito sa kanya nang di niya namamalayan? Paano nangyari iyon eh nakamulagat naman siya dito kanina? Nakakahiya!Nakita kaya nitong napatulala siya dito? Sino ba naman ang hindi mapapatulala eh, sobrang gumuwapo ito? Hayun tuloy,sidetracked na sidetracked ang pakiramdam niya! “Bryce!” muling tawag ni River,ngayon ay nakabukas na ang mga bisig nito.Alam ni Bryce ang pahiwatig na iyon.He wants to hug her,just like the old time. Ayaw pa sanang gumalaw ng dalaga kung hindi lang siya muling tinawag nito. Tulak ng dating nakagawian,natagpuan ni Bryce ang sariling pumaloob sa mga matitipunong mga bisig na iyon.And as his arms enveloped her for a tight hug, she felt her eyes began to water. How she missed him. “Hey…” River whispered when he looked down unto her face. Automatically,he lifted up his hands and wiped the stubborn tears with his thumb so very gently. “I just can’t believe you were here…” she told him. “Or can’t believe I am looking this good?” he smiled, a hint of mischief on his voice.Dahil doon ay naitulak ito ni Bryce. “Hah!Such guts you got there,Manderil. Dalawang taon lang tayong hindi nagkita ay yumabang ka na ng sobra” inirapan niya ito.Siyempre hindi niya aamining na-mesmerized siya dito kanina. Kaagad naman din siyang hinila ng binata at muling ipinaloob sa mga bisig nito. “Just kidding,kitten” natatawang sabi nito na tinawag pa siya sa nakasanayan nitong itawag sa kanya noon. “Hep! Don’t kitten me,River! I’m all grown up” nakalabing kumalas siya dito nang may maalala. “How did you find it here?” she asked. Sa tanong na iyon ay naramdaman niyang natigilan ito, bahagya ding napapormal ang binata. Napakagat sa kanyang dila si Bryce nang maisip ang implikasyon ng kanyang tanong. Wrong move,wrong question…she said to herself. “Pumunta ako sa inyo…Tita Erlin told me…I’m-Err-Bryce, I am sorry,I-I didn’t know…” his voice faded on the air.From being playful,his eyes became darker as they settled on hers, looking directly to her very soul. Sa narinig ay tila lobong pumutok ang enerhiya ng dalaga.Yeah right…looks like she’s forgetting something. She’s mourning, wasn’t she? Just by that thought, her smile was brushed off her lips as she looked down to her toenails. “Alam mo na pala.What a sad reunion, eh” she tried to punch a joke and putted on a raw smile on his lips again, ignoring his probing eyes. River didn’t buy it. He was still looking at her intently as if telling her to try harder. Bryce groaned inwardly as she opened the door wider and dragged him inside. “You were not answering my e-mails. I can’t even reach you through phone…” napabuntong-hiningang muling tumingin ang binata ng matiim sa kanya nang makaupo na ito sa sopa. Hindi sinagot iyon ng dalaga.Back to square one… “You weren’t telling anything_” “Pinili kong huwag nang sabihin sa iyo…I do not want to saddle you with it.Alam kong busy ka sa pagpapakadalubhasa sa ibang bansa.Ayokong makagulo sa iyo…” agaw ng dalaga sa sasabihin pa sana nito. How she hates this scenario.Paulit-ulit na lang.Napapagod na siya sa kakapaliwanag. “Bryce_” “River,please.I do not want to talk about it yet…Kadarating mo pa lang.For sure you did not travelled this far just to come and ask me about it…Come on,what would you like to have?” muling putol niya dito.Tumayo siya kaagad at lumakad patungo sa kusina. “Kalamansi juice with honey,please” walang nagawa na pahabol na sabi na lang ng binata.Napapailing na inilibot ang mga mata sa mga nakikitang nakaadorno sa pinakasala ng tinutuluyang bahay ng kinakapatid. Sa kusina,hawak ang dibdib na napasandal sa refrigerator si Bryce. Totoong nagulat siya sa biglaang pagsulpot ni River.Ngunit mas nagulat siya sa nakitang malaking transpormasyon nito.From the boyish River,the man unbelievably transformed into a mythical god. At totoo ding nagulat siya na alam na pala nito ang tungkol “doon”.Muli ay napaungol siya.Pagdating sa binata,tsismosa talaga ang mommy niya. Tuloy ay nawalan lang ng saysay ang pagnanais niyang huwag na itong balitaan tungkol sa mga pangyayari sa kanyang buhay nitong nakaraang mga buwan. Ang totoo ay ayaw niyang malaman nito ang ginawang pag-indyan sa kanya ni Travern sa araw ng sana ay kasal nila nito pati na ang pagkakaaksidente ng lalaki nang araw ding iyon kasama ang kaibigan nilang si Abby. Sasabihin lang kasi nito na tama ito ng assessment noon pa sa karakter ni Travern. Ayaw niyang marinig iyon dito dahil ang totoo, totoong nagustuhan niya si Travern noon.Masaya kasi itong kasama at walang pretension dito.Kapag nga kasama niya ang lalaki pakiramdam niya ay malaya siya. Higit kailanman,hindi nito itinago at ikinaila ang mga kahinaan nito sa kanya.Kaya sa kabila ng pagtutol ni River at ng kanyang mga magulang ay nakipagmabutihan siya sa binata. Hindi niya masasabing mahal niya si Travern,ngunit naramdaman ng kanyang puso na totoong minahal siya nito. Kaya lang ay hindi pala sapat na mahal siya nito at gusto niya ito.Hindi sapat na marami silang bagay na pinagkakasunduan lang.Sa relasyon nila,dumating din iyong panahon na naghanap ito ng higit pa sa kaya niyang ibigay.Bagay na hindi niya malaman kung bakit hindi niya kayang ipaubaya dito.At hindi niya inakalang dahil sa mga reserbasyong iyon ay magagawa siya nitong talikuran at ipagpalit sa iba. It could have been easier for her…kung sana ay sa ibang babae siya ipinagpalit ni Travern.Hindi sa kaibigan niya.At kung sana ay hindi na nito hinintay pa na maitakda ang kanilang kasal bago nito naisipang kumalas. Ngunit naintindihan niya si Travern.That was after she happened to see the letter he made for her. “I can’t move you the way he does,Bryce…It was still him…For two years you failed to see me,you did not feel me. It was too painful Bryce, competing to someone who’s not even here. You know I truly loved you, in my heart I know it was you whom I wanted to spend my whole life with…but you can’t give me even a small portion of your heart…I am setting you free.You better hate me for this rather than to pity me…” When she read that,her heart cried out for him.She was eaten by her guilt.Nawala nang tuluyan si Travern sa kanya nang wala man lang siyang sinabi dito.Nang hindi man lang nakahingi ng paumanhin dito.Hindi fiance’ ang nawala sa kanya kundi isang kaibigan.Siguro kung hindi siya naging duwag,kung naging totoo siya dito…Ah,ayaw na niyang isipin. Ang nangyaring aksidente kay Travern ang gumising sa kanya.Kaya ginusto niya munang lumayo hindi lang upang takasan ang kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak,maging ang press na gusto siyang makapanayam kundi upang hanapin ang kanyang sarili.Iyong Bryce na hindi kailangang mamuhay sa likod ng mga pagkukunwari. “Magpapasko na po!” ang pasigaw na pagbulabog ni River mula sa sala ang nagpabalik sa diwa ng dalaga mula sa pagsulyap sa nakaraan. Oo nga pala! “Nandiyan na po,kamahalan.Saglit at lalagyan ko na lang po ng arsenic para sumarap” pasigaw ding sabi niya dito bago nagmamadaling hinalo ang inumin sa pitsel. “Nice place you got here, kitten” puri nito sa tinutuluyan niya nang makalapit siya dito. “Meooww” asar na sagot ni Bryce dito. Dahil doon ay natawa ng malakas ang binata.Natawa na din siya. Noon lang natanto ng dalaga kung gaano niya kana-miss ang mga kulitan nilang dalawa nito noon. “So,what are your plans now?” River asked after the shared laughter. “Itutuloy ang modelling career ko,I guess” wala sa loob na sagot ng dalaga pagkatapos kumagat sa pizza na isinama na rin niyang inihanda para sa kanilang dalawa. “Aha,not a good idea,Bryce” sabi kaagad ng binata dahilan para mapatingin siya dito. “Bakit naman? You know I am doing great in the limelight, River” she said matter of fact.Tinaasan niya ito ng kilay na ikinapangiti nito. “Oh,don’t get me wrong,kitten. But you see, don’t make modelling your world. I suggest you try doing something far from_” “Like?” “Bakit hindi mo pamunuan ang kompanya ninyo? Soon your father would retire. Don’t you think it’s about time you learn managing your own company?” mahabang sabi nito na ikinasimangot ng dalaga. Kung kanina ay isang kilay ang nakataas kay Bryce,ngayon ay dalawa na. “Whoah! I can smell conspiracy here.Did my parents sent you to talk about all these to me?” iningusan niya ito, nakasimangot na humalukipkip habang hinihintay ang isasagot ng binata. “Of course not!” defensive na sagot kaagad ni River kaya lalo lang nakumpirma ng dalaga na may katotohanan ang paratang niya dito.Tumayo siya, pinagdadampot ang mga piraso ng pizza at isinalaksak muli sa kahon niyon.Dinampot din niya ang pitsel na may lamang juice.Pati ang isusubo sana nitong piraso ng pizza ay hindi niya pinatawad.Pahablot na inagaw niya iyon mula sa nakangangang mga bibig nito. “Hey,what are you doing?” nagtatakang tanong nito kaagad, tinangkang isalba ang basong may lamang inumin. Asar na inagaw niya iyon dito. “Heh! Maghanap ka ng kakainin mo!Kainis ka!” nagmartsa siya pabalik sa kusina. “Pikon ka pa rin!” dinig hanggang kabilang bahay ang ginawang pagtawa nito nang makatalikod na siya. “Tse! Pasukin sana ng langaw iyang ngala-ngala mo!” asar na bwelta niya dito bago padaskol na ibinaba sa lamesa ang hawak sa kamay. So,hindi lang pala ang pang-iindiyan ni Travern sa kanya at ang aksidenteng kinasangkutan nito ang itsinismis ng mga magulang niya kay River kundi pati na rin ang katamaran niyang tumulong sa pamamalakad ng kanilang negosyo? Naku naman talaga,oo! Kung minsan gusto niyang mainis sa mga magulang niya.Lahat na lang gustong pakialaman ng mga ito.Ma buti nga at hindi na naman pinakialaman ang desisyon niyang tumira sa simpleng townhouse na iyon sa Baguio.Kung hindi pa siguro nakita ng mga ito kung gaano niya ininda ang inaakala ng mga itong sobrang sakit na dinanas niya sa ginawa ni Travern,idagdag pa ang pagkamatay nito ay nungka sigurong payagan siyang umalis. Nasa ganoong pag-iisip si Bryce nang may maalala. Hmmm,imposible naman yatang hindi napanood man lang ni River ang tungkol sa eskandalo ng sana ay kasal niya three months ago eh alam niyang nanonood ng TFC ang binata. “River?” tawag niya dito nang matapos niyang hugasan ang mga baso. “Yep?” Lumabas si Bryce. Nakita niya ang binata na nakatayo sa harap ng open cabinet na pinaka-division ng sala at kusina niya,pinakikialaman ang mga hindi pa naililigpit na mga sketches doon. “Sabi mo si mommy ang nagkuwento sa iyo ng mga nangyari?” lumapit siya dito at inagaw ang mga hawak-hawak nitong sketches. “Hey! Ang damot nito” walang nagawang reklamo na lang ng binata nang hablutin niya ang mga iyon. “Honestly Bryce,you’re good_” Taas ang kilay na nilingon niya ito. “No kidding” itinaas nito ang mga kamay, “you could have been a famous designer if you pursued it.Sayang ang talent mo” dugtong pa nito. “O,akala ko ba,dapat ay matuto na akong magpalakad ng malaking negosyo?” buska niya dito habang isinasalansan ang mga papel sa ibaba ng flat TV niya. “Well,kasama na rin iyon,of course” kaagad namang depensa ng binata. “Sabi mo,si mommy ang nagsabi sa iyo?” nang matapos sa ginagawa ay muling balik ni Bryce sa tanong kanina. “Uhumm” “Di ako naniniwala” ingos ng dalaga.Humarap siya at binigyan si River ng nagbabalang tingin. Tila naman nasukol na napabuntong-hininga ang binata. Sa ginawi nito ay napabuntong-hininga din si Bryce. So she was right. Alam niyang hindi sinungaling ang kinakapatid. He may have been playful and he’s good at it,but he was never a good liar.And looking at him now,di na nito kailangang ikumpirma ang kanyang hinala. “Okay,I saw it on TV.I was trying to reach you pero hindi kita makontak.Noong makausap ko si tita Erlin,they told me you took a vacation somewhere.So I decided to come home.You might need a punching bag,you know.So here I am, offering myself to you…” nangingiting amin din naman kaagad ng binata,bahagya pa siya nitong inabot at gaya ng nakagawian ay kinusot ang lampas balikat niyang buhok. “I’m a big girl now,River!” naiinis na sabi niya dito.Sabi na nga ba niya!Umiral na naman ang protective instinct ng bruho. “Big girls don’t hide, Bryce” he said as he looked at her. Bryce had no idea if it was her ears cheating her, but she could swear she hinted sadness in that voice.She raised her head and meet him in the eye.Hindi niya malaman kung guni-guni lang din ba niya ang nakitang pagdaan ng kalungkutan sa mapupungay na mga mata ng binata. Kalungkutan?Para saan? Sa kanya? “I am not hiding…” she protested in a low voice. “Okey,big girls don’t run then…” he smiled.Gone was the emotion she saw in his eyes earlier.Naging playful nang muli ang mga iyon. “River!I am not running!Grrr!” naiinis na kontra niya, ibinato dito ang stuffed toy na nadampot sa kanyang tabi. Tumawa lang ang binata. CHAPTER TWO Hating-gabi na ay ayaw pa ring dalawin ng antok si River.Alam niyang kanina pa mahimbing na natutulog si Bryce sa kabilang kuwarto.Nais tuloy niyang mainggit sa dalaga.Sa nakikita niya ay hindi naman yata gaanong ininda ng kinakapatid ang pagkamatay ni Travern.Maliban lang kung naging eksperto na ito sa pagtatago ng nararamdaman sa kanya. Napabuntong-hininga ang binata. His coming back home wasn’t all plan. Alam niyang matatag si Bryce. Alam niyang hindi ito basta-basta naigugupo ng mga pagsubok dahil mas matigas pa minsan sa pagsubok ang ulo nito. The thought of coming back home came only after several weeks he hadn’t heard anything from her despite his efforts to reach her. Ni hindi siya nito sinasagot sa e-mail niya. Thinking she might have been suffering from her loss too much, he immediately took a vacation. A move he did not given thought much about. Noon kasing hindi pa niya napanood sa TV ang insidente ay buo na sa loob niyang huwag umuwi ng Pilipinas sa loob ng limang taon. He broke that promise the other day. Because Bryce needs you… mapait na napangiti si River sa sarili. He was already having a good life in Massachussetts. Well,at least not as broke as he was two years ago when he left the country. Now, here he go again…going back to his oldself.Kailan ba siya matututo? Nagkaproblema lang si Bryce ay nagkumahog na kaagad siyang lumipad ng Pilipinas. Inis na tumayo ang binata nang ayaw pa ring dalawin ng antok,ipinasyang lumabas ng kuwarto upang kumuha ng maiinom sa kusina. Maingat at patingkayad na naglakad siya nang mapatapat sa kuwarto ng dalaga.Ayaw niyang mamalayan nito na gising pa siya. Akala niya ay solo na niya ang bahaging iyon ng kabahayan. Laking gulat tuloy niya nang makita ang malamlam na liwanag na nagmumula sa lampshade sa sala,lalo na ang babaeng buhos na buhos ang atensyon sa iginuguhit sa hawak na skitch pad. Mula sa patingkayad na paglakad ay napasandal si River sa katabing cabinet.Wala sa loob na pinanood ang dalaga sa ginagawa nito.Even in the dim light,Bryce never failed to looked so beautiful,her long hair smoothly cascading to her delicate looking cheeks to her neck down. River didn’t even know he’d been holding his breath watching her until he felt the need for air. Déjà vu. He’d seen this scene before from an old memory. “Where are you? You’re five minutes late River Manderil!” anang matinis na boses ni Bryce sa kabilang linya.Nahihinuha niyang asar na asar na ito sa kanya. Promenade kasi ng mga ito at aminado siyang late na siya ng ilang minuto. “Tone down your voice,kitten.Patayin mo na ang phone para makapunta na ako diyan,okay?” natatawang sabi niya sa dalagita.Alam niyang nag-eexaggerate lang ito. Bryce de Silva,the brat,the heir of the de Silva Group of Companies, the princess of the de Silva mansion,and unfortunately... kinakapatid niya. “Ten minutes,River!Ugh!” narinig pa ng binata ang matinis na tawag nito sa yaya sa background bago namatay ang aparato. Wala ang mag-asawang de Silva,nasa Paris ang mga ito ng mga panahong iyon.As expected,siya ang pinakiusapang magiging escort nito cum driver cum bodyguard na din. Okay lang naman iyon sa kanya dahil wala siyang gaanong ginagawa. Second year na siya sa kinukuhang kurso sa Ateneo.So far nakakaya naman niya ang pressure,lalo na ang pagpasok sa paaralan at ang pagpasok sa opisina.Gusto kasi ng papa niya na habang maaga ay matutunan niya ang pasikot-sikot na takbo ng negosyo kaya sinabihan siyang pumasok sa opisina once in a while. Magkaibigang matalik ang ama niya at ama ni Bryce. They were buddies since time immemorial.And they managed to passed that on to them.Kahit mas matanda siya ng dalawang taon kay Bryce ay hindi iyon naging hadlang para hindi sila maging close nito.In fact, there were times when they were the best partners in crime. Pagkababa ni River sa kotse niya ay kaagad na dumiretso siya loob. “Where’s she?” tanong niya sa yaya nito. “Nasa silid niya,River. Akyatin mo na lang at kanina pa tila hindi makapanganak na pusa” natatawang sabi nito na sanay na sa kanilang dalawa. “Wala ba siyang hawak na baril,yaya?” sakay niya sa biro ng matandang babae. “Naku iho,bomba meron.Hala,puntahan mo na.Nagtataka ako sa batang iyan,parang hindi na aabutan ng bukas eh,hindi pa naman kayo masyadong huli sa prom” sabi nito bago siya bahagyang itinulak paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. Pagkaakyat ay tinatunton ni River ang hallway papunta sa left wing kung saan naroon ang silid ni Bryce. Dahil bukas iyon ay patingkayad at maingat na pumasok ang binata.Mabuti na ang sigurado.Baka sa inis sa kanya ng kinakapatid ay mabato pa siya ng kung ano.Ugali pa naman nitong gawin iyon. Ang patingkayad na paglakad ni River ay na-freeze sa ere nang matagpuan ng kanyang paningin ang dalagita.Ang inaasahan niyang maliit na bruha na mabubungaran ay wala,bagkus ang naroon ay isang diwata na kalmadong nakaupo sa bilog na kama.Ang laylayan ng gown nito ay nakakalat sa puting bed sheet habang ang kamay nito ay abala sa pagguhit sa hawak nitong sketch pad. River had no idea how long he stood there,watching her hand moving with ease. How long he watched her beautiful face.Nakataas ang mahabang buhok ng dalagita,leaving only a portion of it at the side of her face making her looked every inch a lady in bloom. Something stirred inside of him. Something he had never felt before. Hindi pa sana siya magigising sa matamang pagtitig dito kung hindi nito naramdaman ang kanyang presensya. Looked surprise,kaagad na itinago ng dalagita ang ginagawa sa ilalim ng unan nito. “How long had you been there?” she asked, there was a shed of suspicion in her eyes. Tumikhim si River. “I just came in” sabi niya na nag-iwas ng mga mata.Himala,bigla ay tila naging estranghero sila sa isa’t-isa.Tila ngayon lang niya ito nakita. “Okay,let’s go?” kaagad na kayag ni Bryce sa kanya bago nagmamadaling hinila siya sa mga kamay.Napatingin doon si River. ‘Oh,God.What’s happening with me?’ he groaned inwardly. That was the first time he gave their clasping hands a meaning.And he hated himself for that.As if they hadn’t been doing that! At the prom,he became more scared of the new, scary feelings surfacing from the inside of him.He became so possessive of her. Ni ayaw niyang may makasayaw itong iba. “What do you think you’re doing?” pabulong at gigil na sita sa kanya ni Bryce nang hindi pa man nailalahad ng isang binatilyo ang kamay sa harapan ng dalaga ay naroon na kaagad siya. “Dancing with you?” painosente niyang sagot. “River! Siguro naman wala kang balak na bakuran ako,ano? Para kang bodyguard.Ni hindi ako maisayaw ni Garet” nakalabing sagot nito. “Iyong uhuging iyon?Bryce,hindi mo ba alam na may lahing bading ang pamilya niyon?” sabi kaagad niya. Pinandilatan siya ng mga mata nito. “At saka iyong kanina,naku may halitocis iyon.Nagtanong iyon sa akin kanina kaya naamoy ko” hindi nagpapigil na sabi niya.Di niya alam kung saan niya pinagdadampot ang mga sinasabi niya ngunit wala siyang pakialam.Para sa kanya,walang pwedeng makipagsayaw sa kanyang ‘prinsesa’. “River! You’re so gross!” “Eh totoo naman.Magbo-boyfriend ka din lang sa may bad breath pa.Shucks!” sabi niyang nangingiti na. “Who’s talking about having a boyfriend? River,it was just a dance!” she laugh.Tila nawala na din ang inis nito sa kanya. River watched her laugh, and wondered how her laughter turned into beautiful music. ‘I’m doomed…’ he whispered as his eyes glued to her pinkish lips. He hated it.For some unknown reason,pakiramdam niya ay nagkakasala siya sa mga nagsusulputang nakakalitong mga damdamin sa kanyang kaloob-looban. To think na hindi naman siya uminom ng kahit ano’ng inumin upang sana ay may masisi siya kung bakit siya nakakaramdam ng ganoon. For god sake,si Bryce ito. “Hey…bakit gising ka pa?” ang malamyos na tinig na iyon ang nagpagising sa lumilipad na isip ni River pabalik sa kasalukuyan. Bryce putted down the sketch pad. “Naistorbo ba kita?” ang tanong nito. “Hindi naman. I was about to go to the kitchen and see what’s there for midnight snack when I saw you.Bakit diyan ka sa dilim? Masisira ang mga mata mo niyan” sagot niya bago humakbang papunta sa kusina.Ayaw niyang tingnan ang dalaga. Though wearing a decent night dress,he could still see the curves behind them. “Do you want me to fix you something to eat?” tanong nito.Naramdaman niya ang pagtayo nito sa kinauupuan. ‘Oh,god,Bryce stop that’ he begged inwardly.Humarap siya dito. “Ah,I changed my mind.Pasok na ako sa kuwarto ko.Nakalimutan kong may tatawagan pa nga pala ako sa Massachussets.Goodnight” and like a plague,he hurriedly left her. Kinabukasan medyo tinanghali silang pareho ng gising.Mas maaga lang siya ng kaunti dito kaya siya na ang nagboluntaryo na magluto ng kanilang agahan. Pagkatapos maihanda ang agahan ay naligo na muna siya bago kinatok sa kuwarto nito ang dalaga. “Give me five minutes” from inside,she said in a sultry voice. Ugh! Naiinis sa sarili na bumalik si River sa kusina.Habang hinihintay ang dalaga ay nakikipag-argumento ang binata sa sarili. Tama ba talaga na nandito siya ngayon? Tama ba talaga ang desisyon niyang bumalik ng Pilipinas? When you left the country,you we’re so broken…you’re moving on,River…a small voice in his head argued to him. She needs me…sagot niya sa sarili. Does she? She didn’t asked for you… Natigilan si River sa pasundot na salitang iyon. Kailangan nga ba siya ni Bryce? Hindi ba at hindi siya tinawagan nito?Ni hindi ipinaalam sa kanya ang mga nangyayari sa buhay nito? Madalang na nga siya nitong itext at tawagan noon. She’s just upset then…katwiran pa rin niya sa sariling isip. “Wow,ang sarap naman ng breakfast” ang magaan na bungad ni Bryce.Napatingin siya dito.Wearing a floral printed short,slips on,and white fitted sweater,she looked so fresh in the morning. “I do the cooking,you do the washing” para mapagpag ang mga agiw sa kanyang utak ay biro ng binata dito. “No sweats…” nakangiti ding sagot ng dalaga bago inabot ang sinangag na kanin at nilagyan pareho ang kanilang mga plato. With that gesture,his heart began to swell again. Bryce never failed to do that.Mula nang mga bata sila ay ginagawa na nito iyon. Inabot ng binata ang mainit na tsokolate at siya naman ang nagsalin niyon sa mug nilang dalawa. “I was planning of going to Ilocos Norte.Particular in Pagudpud” sabi nito nang magsimula na silang kumain. Gulat na napatingin siya sa dalaga.Kailan kaya nito plinano iyon? “Want to tag me along with you?” he joked. “Why not?” sagot nito bago sumubo ng bacon. Totoong nagulat si River. Hindi niya inaasahang papayag kaagad ang dalaga.Ang akala kasi niya, kaya nais nitong pumunta ng mga lugar na kasin-layo ng Pagudpud ay dahil ibig nitong mapag-isa. “I was just kidding…” pakipot niya dito,kahit sa loob ay nagtatalon ang kanyang puso sa kaligayahan.Dasal niya na huwag sana nitong bawiin iyon. “Well,I wasn’t.Mabuti nga iyon at nang makapamasyal ka din. Which reminds me,how long do you plan to stay in the country?” her hazel nut eyes settled on his face,waiting for an answer. “Three months to the most.Depende.Basta…” sagot niya. Napatango si Bryce. Chapter Three “Wake up,sleepy head…” ang masuyong haplos at boses ni River ang gumising sa mahimbing na pagtulog ng dalaga.Kaagad na napaunat ng upo si Bryce at iginala ang paningin sa labas ng sasakyan. “Where are we?” she asked. “Banauang bridge.You might want to go down first.Ipapahinga ko lang saglit ang mga kamay ko.Whew! sobrang nangangalay na…” sabi nito bago tinanggal ang seatbelt at binuksan ang sasakyan. Napatingin siya sa binata.Bahagyang nakadama ng awa para dito. Tinulugan ba naman niya ang kinakapatid mula La Union hanggang dito. “Sige,ako ang magmamaneho mamaya” pangako niya bago inayos ang sarili at bumaba din ng sasakyan. Pagkababa ay nakadama ng ginhawa ang dalaga,lalo na nang madampian ng hangin ang kanyang balat. Nang hanapin ng kanyang mga mata si River ay nakita niya ito sa gilid ng tulay habang hawak ang camera nito. Natawa siya.Para pa ring bata nito.Kinunan ba naman ng larawan ang dalawang lovebirds na nakaupo sa ilalim ng tulay at naglalambingan. Nangingiting kumindat ito sa kanya. “Hey,kunan mo sila,madali!” excited na sigaw ni Bryce nang pagbaling sa kabila ay makita ang mga nasa Zip Line.Napakagandang view.The two teenagers were like birds flying over the water. Sumisigaw pa ang mga iyon sa tuwa. “Would you like to try it?” naroon ang paghamon sa tanong ng binata nang makalapit ito sa kanya. “Is that a challenge?” taas ang noong hamon din ng dalaga. “Dalawa tayo” nakangiting sagot nito.Napamulagat si Bryce. “Ayoko nga! Baka laslasin mo ang tali ng akin,mahulog ako” simangot niya dito. “Sira!Halika na” di na siya nito binigyan ng pagkakataong umangal,kinaladkad siya nito patungo sa mga tauhan ng Adventure Zone na iyon.
Posted on: Sat, 29 Nov 2014 03:22:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015