Sangkot sa PDAF scam, nag-alok ibalik ang pera.... Isang - TopicsExpress



          

Sangkot sa PDAF scam, nag-alok ibalik ang pera.... Isang mambabatas na sangkot sa pork barrel scam na inoperate ni Janet Lim Napoles ang nagpadala ng “fee­lers” sa Malacañang mga dalawang linggo na ang nakaraan. Ang alok ng mambabatas: isauli niya ang perang kanyang nakuha sa PDAF (Priority Development Assistance Fund) kasama na ang interes, magre-resign siya sa kanyang pwesto, hindi na tatakbo ulit at magpa-public apology siya. Ang kanyang hiling: huwag siyang kasuhan. Sabi nitong mambabatas, gagawin daw niya ito para sa kanyang mga apo na ayaw raw niyang madamay sa kahihiyan. At sabi niya, ‘down’ na raw siya ngayon. Sino kaya ito? hulaan blues... Pwedeng senador, pwedeng congressman o congresswoman....
Posted on: Tue, 17 Sep 2013 21:40:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015