TURKEY WORLD JUNIOR: DOCENA, FRONDA NAKA-AHON SA - TopicsExpress



          

TURKEY WORLD JUNIOR: DOCENA, FRONDA NAKA-AHON SA SECOND-ROUND NAKABALIK sa kontensiyon sina Jerad Docena at Jan Jodilyn Fronda ng Pilipinas matapos manaig sa kani-kanilang kalaban sa Round 2 ng World Junior Chess Championships 2013 sa Hatay, Turkey nitong Linggo. Tinalo ng tubong Tagubaas, Antequera Bohol na si Docena (ELO 2227) kontra si Mert Kilic (ELO 1843) ng Turkey sa Boys division habang nanaig naman ang taga San Andres, Manila na si Fronda (ELO 2038) kontra kay Shyngys Kyzy Aijarkyn (ELO 1780) ng Kyrgyzstan sa Girls division. Una dito nitong Sabado, natalo si Docena kontra kay IM Andrey Stukopin (ELO 2522) ng Russia sa Round 1 habang nadapa naman si Fronda (ELO 2038) kontra kay WGM Dinara Saduakassova (ELO 2326) ng Kazakhstan. Sa third round, makakasagupa ni Docena si IM Richard Wang (ELO 2430) ng Canada habang makakatapat naman ni Fronda si WGM Rout Padmini (ELO 2312) ng India. Sina Docena at Fronda ang nagkampeon sa National Junior chess championships para sa Boys at Girls para katawanin ang bansa sa World Junior chess meet. Sina Docena at Fronda ay sinamahan ni International Master Yves Ranola sa kanilang kampanya bilang coach kung saan suportado ang kanilang kampanya ng National Chess Federation of the Philippines, Bayan Muna Party-list group, Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee. Sina GM Yu Yangyi (ELO 2662) ng China at WGM Alina Kashlinskaya (ELO 2434) ng Russia ang tournament top seed sa kani-kanilang dibisyon.
Posted on: Sun, 15 Sep 2013 04:37:04 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015