ANG KASAL NG ISANG TAO NA BELOW 18 YEARS OLD KAHIT MAY PARENTAL - TopicsExpress



          

ANG KASAL NG ISANG TAO NA BELOW 18 YEARS OLD KAHIT MAY PARENTAL CONSENT O PAGPAYAG NG MAGULANG AY ISANG VOID MARRIAGE NA PWEDENG IPA-ANNUL SA KORTE. GANUN DIN ANG KASAL NG ISANG TAO NA BELOW 18 YEARS OLD NGUNIT NILAGAY SA MARRIAGE CONTRACT NA SIYA AY 18 YEARS OLD NA AY ISANG VOID MARRIAGE NA PWEDENG DING IPA-ANNUL SA KORTE. ANG LEGAL CAPACITY NG MGA KINASAL AY IMPORTANTE SA VALIDITY NG ISANG KASAL AT KUNG WALA NITO AY VOID ANG MARRIAGE. Marami ngayon ang nangyayaring teenage pregnancies at kung minsan ay pinipilit ng mga magulang ang mga menor de edad na magpakasal kahit wala sa wastong edad. May nagtanong sa Lawyers ng ganito: "Attorney, pinakasal ako ng magulang ko sa boyfriend ko kahit 17 years old ako dahil pumayag naman ang pareho namin magulang, valid ba ang kasal ko noong 17 years old ako?" Ayon sa Article 2 ng family Code, "no marriage shall be valid, unless these essential requisites are present: (1) Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female; and (2) Consent freely given in the presence of the solemnizing officer. Ang legal capacity ay ang kapasidad ng isang tao na umaksiyon o kumilos ng mya legal na epekto at ang legal capacity ay nakukuha sa pag-attain niya ng majority age. Ang majority age o tinatawag na "legal age" para magkaroon ng legal na epekto ang isang aksiyon ng tao ay 18 years of age. Kung kaya ang kasal ng isang tao na below 18 years old kahit sila ay binigyan ng parental consent o pinayagan ng mga magulang na makasal ay isang void marriage at pwedeng ipa-annul sa korte. Ayon sa Article 5 ng Family Code, "any male or female of the age of eighteen years or upwards not under any of the impediments mentioned in Articles 37 and 38, may contract marriage." Ang age ay batayan ng legal capacity ng mga kinasal at isa ito sa mga essential requirement upang may bisa ang kasal at kung wala sa hustong edad ang mga kinasal, ang kanilang pinasukang kasal ay walang bisa na dapat ipa-annul sa korte. Kahit merong pagpayag ang mga magulang, ang kasal na ganito ay walang bisa dahil hindi pwedeng maremedyuhan ang kawalan ng legal capacity ng pagpayag ng magulang sa kasal. Gayundin kung ang kasal ng isang tao na below 18 years old kung saan pinalabas niya sa marriage contract niya na siya ay 18 years old or pataas ay isang ring void marriage at pwedeng ipa-annul sa korte. Dahil ang legal capacity ay hindi nakukuha dahil lamang sa pagbabago ng edad o age ng isang tao sa isang legal na dokumento. Ngunit ang legal age o legal na edad upang magpakasal ay nababago ng batas at magagamit lang ito bilang ground sa annulment of marriage kung nakatugma ito sa panahon ng kasal at ng batas na namamayani at that time. Ang kasal simula August 3, 1988 pataas ay nasasakop ng Family Code kung saan ang legal age to marry ay 18 years old whereas ang kasal simula August 2, 1988 pababa ay nasasakop ng New Civil Code kung saan ang legal age to marry sa lalaki ay 16 years old at ang sa babae naman ay 14 years old. Bago maging epektibo ang Family Code noong August 3, 1988, ang namamayaning batas ng kasal ay ang New Civil Code. Ayon sa Article 54 ng New Civil Code, "any male of the age of sixteen years or upwards, and any female of the age of fourteen years or upwards, not under any of the impediments mentioned in articles 80 to 84, may contract marriage." Kung kaya ang mga kasal noong August 2, 1988 pababa, ang legal age o legal na edad upang magpakasal ay 16 years pataas para sa lalaki at 14 years old pataas para sa mga babae. Simula sa August 3, 1988 kung saan epektibo na ang Family Code, ang legal age o legal na edad upang magpakasal ay 18 years old pataas sa babae at lalaki. Ang kasal ng isang tao na ginanap simula August 3, 1988 pataas na below 18 years old kahit sila ay binigyan ng parental consent o pinayagan ng mga magulang na makasal ay isang void marriage at pwedeng ipa-annul sa korte .
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 13:13:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015