Dear Admin, Tawagin nyo na lang po ako sa pangalang Joan. 25 - TopicsExpress



          

Dear Admin, Tawagin nyo na lang po ako sa pangalang Joan. 25 taong gulang na po ako ngayon at naninirahan dito sa Boracay pero tubong Cebu. Unang tapak ko pa lang po sa buhangin ng Boracay noong 2008, itinalaga ko na sa aking sarili na mananatili ako sa islang ito, no matter what. Boracay island is my ultimate dream to live in. Sariwang hangin, magandang kapaligiran, at tahimik na buhay. Iyon bang wala akong gagawin paggising sa umaga kundi ang mamasyal sa tabing-dagat pagkatapos ng isang masarap na agahan sa terasa ng aking magandang bahay. Pagkatapos ay walang pakialam sa mundong maglalangoy ako sa dagat ng paroo’t parito, hanggang sa ako ay mapagod at magpapahinga nang padapa sa dalampasigan habang nagsa-sunbathing. At siyempre pa, kasama sa pangarap ko na may mga palad na hahaplos sa aking likod habang nilalagyan ako ng lotion upang hindi masunog ang aking maganda at malasutlang balat. At ang palad na iyon ay ang palad ng lalaking aking pakakasalan, ng lalaking mayaman na pakakasalan ako at magbibigay ng kaginhawahan sa buhay at karangyaan. Then, kapag nainip naman ako sa isla ay maglalambing ako sa kanya at magyayayang magtu-tour around the world para ako ay malibang. At siyempre pa, ang mga cute naming anak ay may tig-iisang yaya kaya hindi ako poproblemahin ng mga ito kapag out of the country kami ng aking husband. Anyway, ang lalaking iyon ay puwedeng pinoy, pero mas maganda kung foreigner, para siguradong dollar ang hahawakan kong pera. Ngunit Kabaliktaran po kasi ang nangyari. Nagtrabaho po ako sa isla bilang isang front desk officer ng isang resort. Di ko po akalain na magkakagusto pala sa akin ang aming manager na tawagin nyo na lang sa pangalang Harold. Noong umpisa ay binabalewala ko po ang mga parinig at pacute nya sa akin hanggang sa lantaran na po ang seryoso nyang panliligaw. Di ko po alam kung isang malaking pagkakamali ang nagawa ko noong nagdesisyon akong papasukin sya sa aking buhay sa buong paniniwala na seryoso sya sa akin. Kinalimutan ko po ang pinangarap kong maging buhay sa Boracay para sa kanya dahil halos apat na taon na po ako sa isla at di ko pa rin natatagpuan ang ideal man ko. Halos walong buwan po kaming nanirahan sa iisang bahay ni Harold hanggang sa ako ay mabuntis. Apat na buwan na po akong nagdadalantao ngayon at halos isang buwan na po kaming di nag-uusap ni Harold. Naging malamig po sya sa akin mula nung malaman nyang buntis ako na kabaligtaran po sa inaasahan ko nung sinabi ko ito sa kanya. Ang pagkakaalam ko naman po ay wala syang sabit o asawa. At dahil po sa ipinapakita nya sa akin ay nawawalan na rin ako ng ganang ipagpatuloy ang relasyon namin kahit na nabuntis nya ako. Kaya ko naman pong buhayin ang ipinagbubuntis ko. Minsan nga po ay naisip kong, "baka destiny ko talaga ay matagpuan pa rin ang lalaking pinapangarap ko noon at tatanggapin ako kahit may anak na ako". Natatakot naman po akong kausapin si Harold kasi baka magkabalikan pa kami at i-insist nya ang karapatan sa bata. Ano po ang maipapayo ninyo sa akin... Gumagalang, Joan
Posted on: Sun, 08 Sep 2013 14:31:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015