Ginang nagpasaklolo sa Bombo Kalibo, matapos mabuntis ng mister - TopicsExpress



          

Ginang nagpasaklolo sa Bombo Kalibo, matapos mabuntis ng mister ang kapatid Posted by Bombo Kalibo Posted in More News Friday, 18 October 2013 22:41 KALIBO, Aklan- Emosyunal na dumulog sa tanggapan ng Bombo Radyo Kalibo ang 27-anyos na babae na si alyas Nene matapos mabuntis umano ng kanyang mister ang kaniyang 16-anyos na kapatid. Ayon sa ginang na lima na umano ang kanilang anak ng suspek na si Rodel, 34, at ilan sa mga ito ay napapabayaan at nagkakasakit na. Hindi rin niya matanggap na sa kaniyang kapatid pa siya ipinagpalit ng kanyang mister. Sa pag-uusap ng dalawa, inamin ni Rodel na nagkarelasyon sila ng kanyang hipag na sa ngayon ay dalawang buwang buntis. Ayon sa mister, sinabihan siya ni Nene na sila na lang ang magsama, bagay na tinutuo naman ng suspek. Aminado ang misis na nasabi lamang niya iyon dahil sa kanyang galit dahil lagi umanong lasing ang mister. Lalo pang uminit ang tensyon ng dalawa nang sabihin ng mister na para maayos ang gusot, pareho nalang silang tumira sa isang bubong kasama ang kanyang kapatid hanggang sa manganak. Igniit naman ng ginang na hindi niya matatanggap ito dahil lalong sasakit ang kaniyang kalooban. Sa ngayon pag-uusapan na lang muna nila ang kanilang problema sa barangay
Posted on: Fri, 18 Oct 2013 15:52:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015