MGA SENADOR PINAKANSELA ANG PASAPORTE, KINAMPIHAN NG - TopicsExpress



          

MGA SENADOR PINAKANSELA ANG PASAPORTE, KINAMPIHAN NG KASAMAHAN! Nakahanap nang kakampi mula sa senador ang mga mambabatas na pinakakansela ang pasaporte matapos na masangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam. Ayon kay Sen. Chiz Escudero, wala siyang nakikitang dahilan para kanselahin ang pasaporte ng sinomang akusado na nasa under-investigation pa lamang ang kaso. Pero ibang usapan na aniya kung naisampa na ang asunto sa korte lalot kung atlarge na ang akusado. Binigyang diin ni Escudero na ang right to travel ay nananatiling basic constitutional rights magiging limitado lamang kung mayroon nang kaso laban sa nasasangkot sa isyu. Once na na-file yung kaso sa korte, ibang usapan na yun lalo na kung at large yung tao, pero pagka hindi naman pa na-iisyuhan ng warrant, pagka wala pa namang kasong isinasampa, wala akong nakikitang passport ng magkansela para basehan ayon kay Escudero. Sa ngayon ay nasa Ombudsman na ang impormasyon ng kasong plunder laban kina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Ramon Bong Revilla Jr., at Sen. Juan Ponce Enrile ang pa Sandiganbayan sa ngunit, paghahain nito na siyang maglilitis at maglalabas ng warrant of arrest kung saka-sakali. Magugunitang naglabas ng hinaing ang kampo nina Estrada at Revilla kung saan tinawag pa nilang tila-martial law ang nais paiiralin ng DOJ na mangibang bansa kahit pinipigilan pormal na kaso. Sinabi sa Bombo Radyo ngayong umaga ng kampo ni Revilla sa pamamagitan ni Atty. Joel Bodegon na hindi pa sila nakakatanggap ng kopya nito at sa oras na magkaroon ay pag-aaralan nila para sagutin bagamat ngayon ay kampante silang ibasura ito ng DFA dahil sa umanoy tila pagiging inosente ng DOJ nang sabihin na national security risk ng mga akusado. Well try to get one so we can see if it is worth opposing because we are confident the DFA will not grant the request. National security risk is not in the law as ground to cancel passports, ayon kay Bodegon. Good morning!
Posted on: Fri, 25 Oct 2013 00:57:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015