Naka-dalawang letter na ako para kay Napoles. Naiiyak pa rin ako. - TopicsExpress



          

Naka-dalawang letter na ako para kay Napoles. Naiiyak pa rin ako. Ako ang naiyak para sa mga kakabayan kong di makalaban dahil mas iniintindi nilang ayusin ang buhay nila kesa umiyak. Meron akong higit sanlibong rason para murahin sya. . 3,000Php lang ang kinikita ng mama ko kada kinsenas. 10% nun, napupunta sa bulsa ni Napoles para gawing uniform ng mga katulong nya. 300 pesos din yun. Ilang kilong bigas o karne o gulay na yun. Ilang pirasong delata, biskwit at juice. Ilang galong tubig na iinumin. Ilang araw na allowance naming magkakapatid. Habang nagpapakahirap ang nanay ko sa pagta-trabaho-- natatalsikan ng laway at namumura ng mga kliente, pumapasok hanggat walang sinabing susupensyon kahit lalangoy na sila makapasok lang-- yun yung mga pagkakataong isini-swimming ni Napoles yung sampung porsyentong kaltas sa sweldo ng nanay ko. . Habang nagpapa-party siya at ang guest ay si Justin Bieber, sya namang saya ng mga kababayan natin sa pagkahuli ng daga para sa hapunan. Habang nagpapa-picture sya sa professional photographer nya para sa selfie nya, sya namang kaway ng mga kababayan nating naka-cameo na lumalangoy sa baha na may ihi ng daga. . Naisip ko lang. Andami nating pwedeng gumawa ng aksyon. Bakit hindi natin gawin?
Posted on: Mon, 26 Aug 2013 04:52:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015