Palasyo binalaan ang abusadong driver/operator sa Tacloban Posted - TopicsExpress



          

Palasyo binalaan ang abusadong driver/operator sa Tacloban Posted by Bombo Reymund Tinaza Posted in Latest News Thursday, 28 November 2013 06:00 Pinakilos na ng Malacañang ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan para disiplinahin ang sinumang abusadong driver at operator ng mga pampublikong sasakyang nagsasamantala sa sitwasyon sa Tacloban City at iba pang lugar na napinsala ng bagyong Yolanda Yolanda. Ginawa ni Communications Sec. Sonny Coloma ang pahayag matapos ang sumbong ng ilang residente hinggil sa paniningil ng ilang pedicab at tricycle drivers ng mula P700 hanggang P5 libong pamasahe sa mga apektadong residente. Sinabi ni Coloma, nagpalabas na si LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez ng direktiba na nagbabawal sa mga transport operator na magtaas ng singil at maningil lang ng otorisadong pasahe sa pampublikong sasakyan. Ayon kay Coloma, sa kautusan ni Ginez, sinumang lumabag dito ay makakansela ang kanilang prangkisa. Violation of the said order will be penalized with cancellation of their franchise. We sought the assistance of LTO and PNP HPG to enforce our Order, ani Coloma. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/33622-palasyo-binalaan-ang-abusadong-driver-operator-sa-tacloban#sthash.FfnfmawX.dpuf -Racz
Posted on: Thu, 28 Nov 2013 03:00:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015