WRITERS vs READERS! Readers (magaling): Ano ba yan? Magsusulat na - TopicsExpress



          

WRITERS vs READERS! Readers (magaling): Ano ba yan? Magsusulat na nga lang mali-mali pa ang spelling! Nakakatamad basahin! Maganda sana kaya lang nakakabobo at nakakasuya magbasa! Naturingan ka pang writer kung ultimong spelling ng tagalog di mo maayos! Readers (mabait): ang ganda naman po kaya lang mali-mali lang ang grammar pero yaan u na po writer ang mahalaga nauunawain namin ang ibig sabihin ng yung istorya. Writers (maunawain): Sensya na po baguhan palang po kas kami kaya di pa kami ganun kagaling ng ini-expect niyo! At minsan po cp user lang po kaya di namin maayos minsan ang pagkakatype natin. Writers (ayaw na pinapakialaman): Nagbabasa na nga lang kayo dami niyo pang reklamo? Subukan niyo kaya magsulat din para alam niyo yung hirap naming magsulat para lang may mai-update kami at mabasa niyo! Ayaw niyo basahin di wag! Di lang naman ikaw ang readers ko! Makapagdemmand ka dyan kala mo pinapasahuran mo kami. Agatha: Grammar at spelling yan ang isa sa mga kadalasang napupuna sa aming mga online writers, pero kahit po sana anong sabihin ng readers minsan makinig naman tayo kung tingin nating may point naman sila. Di po sapat na dahilan na libre lang ito kaya magtyaga sila, di rin po sapat na rason na cp user tayo kaya ganun ang tayo magsulat (shortcut o jejemon). Minsan po baliktarin natin ang sitwasyon na tayo ang magbasa? Diba minsan napapakamot tayo kapag nababasa nating mali-mali ang spelling ng sinulat natin? Pwede pang idahilan na first timer mo magsulat kung isang istorya palang ang nagagawa mo pero kung ilang nobela na ba tapos wala pa ring pagbabago? Ano pa bang dahilan? Isa lang ibig sabihin niyan, may sarili kang mundo na ayaw mong pakialaman ninuman! Hindi po ako magaling na manunulat at may mga mali din sa grammar o spelling ng mga akda ko pero tanggap ko kung anong opinyon ng mga mambabasa ko! Writer ka kaya dapat alam mo kung paano alagaan ang istorya mo? Di sapat na dahilan na marami ka pa namang ibang readers kaya di mo pinapansin ang negative comments ng ilan sayo! Sana yung mga puna nila ay gawin nating gabay para maitama natin ang lahat! Sabi nga nila kung may magagaling na writers meron ding magagaling na readers na laging pumupuna ng lahat ng ating kamalian. Ang readers kasi ay para lang teacher eh na magbibigay ng comments nila base sa story na nabasa nila. Para lang po ito sa iba! Di po para sa lahat. :D Bow :D Agatha
Posted on: Sat, 28 Sep 2013 09:02:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015