Wake up call to all churches in the Philippines Simbahan may - TopicsExpress



          

Wake up call to all churches in the Philippines Simbahan may kasalanan din sa pork scam Naniniwala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) incoming president at Linga­yen-Dagupan Archbi­shop Socrates Villegas na may kasalanan din ang Simbahang Katolika sa nabunyag na pork barrel scam dahil sa kabiguang magabayan ng tama ang mga deboto nito lalo pa’t isang Kristiyanong bansa ang Pilipinas. “We have slide down to just ‘maintaining’ the Church, keeping the sche­dule, continuing the ‘order’ of the day. This cannot continue. We cannot be swi­vel chair pastors. We must get out to the barangays and public schools, visit the cha­rity wards of hospitals, teach catechism again, visit homes again -- make a ‘mess’ in society,” ayon kay Villegas, sa isang pastoral letter. Dahil dito, nanawagan din si Villegas sa mga kapwa niya pari na suriin ang kanilang konsensya bilang Simbahan, akuin ang responsibilidad sa kanilang kabiguan, at gumawa muli ng panibagong hakbang para maibalik ang moralidad sa pampubliko at pribadong buhay na mahalagang bahagi ng misyon ng Simbahan. Nagpahayag rin ng kalungkutan si Villegas sa katotohanan na marami umano sa mga alagad ng Simbahan ay naging pastor ng status quo o mga nasa kapangyarihan at may impluwensya. Dahil dito, dapat uma­nong samantalahin ng mga alagad ng Simbahan ang galit ng mga deboto sa katiwalian para panguna­han ang reporma sa Simbahan. (Juliet de Loza-Cudia)
Posted on: Sat, 31 Aug 2013 23:24:14 +0000

Trending Topics



! Some of us find the Bible
How do you identify a legit MLM business? simply look at the
Partnerships among the nations of the continent, among
Nothing but a pure act of betrayal to the people that went out and
After one year since Superstorm Sandy hit the east coast of USA

Recently Viewed Topics




© 2015