Hearing all those disturbing reports about pork scam amounting to - TopicsExpress



          

Hearing all those disturbing reports about pork scam amounting to billions and billions of pesos, let me contribute to the discussion by way of a 36-stanza Punlang Diwa (verse) below that I wrote. The poem is intended to be read on Sunday DZMM in Sa Kabukiran program 4 – 6 a.m. It dwells on the detestable practice of gluttonous solons, facilitated by shady NGOs and in cahoots with crooked government executives. This is also my way of making up for not being there on Monday 26 Aug 2013 in the People Power rally to denounce the Pork Barrel system. I happen to be in the field working on Kaunlaran magazine articles. PANANAW MULA SA BUKID …. SA MGA MAMBUBUTAS 1. Kaya nga nabaril si Rizal at Ninoy, Si Dante’y namundok lumayas si Sison, Kaya nga maraming nagdusa’t nakulong, Upang ipagtanggol ang bayan ni Pinoy, 2. Kaya nga sa bata ay itinuturo, Ang pagiging tapat lalo’t namumuno, Upang ang lipunan ay hindi malugso, Upang itong baya’y sumulong lumago. 3. Sa manlulupig daw di dapat pasiil Pinunong kurakot di naman mapigil, Mga bantay mismo ang nangagtataksil, Bakit tayo’y tigil at ayaw pang manggigigil, 4. Turong makabayan at pagkadakila, Magmahal sa bansa’t sa Poong Bathala, Bakit hanggang ngayon ay nangaglipana, Kagalang-galang daw -- baboy salaula. 5. Maraming senador at saka congressman, Bakit sa pork barrel ay tulo ang laway, Sa mga proyekto’y hindi bumibitaw? Hayon, nangabuking -- S.O.P ang tangay. 6. Kaya nga tinawag silang mambabatas, Dapat legislation ang inaatupag, Hindi naman papel ang pagpapatupad, Ang tinututukan mag-proyektong P-DAP. 7. Sangay ng batasan doon nabibilang, Sa ehekutibo ay nakikialam, Dahil ba ang nais humawak ng gatang Sa sariling bulsa pala magtatakal? 8. Mayrong nagsasabing Kongreso’t Senado, Pinakamalaking mafia’t sindikato, Mga nakabihis kunwa’y maginoo, Samahan ng mga kawata’t dorobo. 9. Kaya nga po minsan h’wag kayong magtaka, Ang buong mag-anak sabak pulitika, Pilit nagtatatag nitong dinastiya, Maliit pang bata may pwestong laan na. 10. Kaya sa kampanya malakas gumastos, Pamimigay pera’y bahang bumubuhos, Sa huweteng at sa pork galing ang pantustos, Pag-upo sa pwesto kabang-baya’y ubos. 11. Iyan ang nangyari sa tawag ay P-DAP, Peke na supplier kinakasapakat, NGO daw kuno, mga kamag-anak, Silbing taga-salok sa kaban na bukas. 12. Di pa natutupad ang isang proyekto, Yari na at advanced ang kanyang porsyento, Ngunit ngayon raket ay biglang nabuko, Naghuhugas kamay ang bunying hunyango. 13. Di raw ‘nya tungkuli’t responsibilidad, Supplier NGO’y kanyang masiyasat, Di raw ‘nya kilala iyong kasapakat, Gayong may larawang akbay sa balikat. (May korporasyon pa kapwa nila anak!) 14. Silang executives nama’y nagpagamit, Nagsilbing na kuno ay mga conduit, Dahil sa porsyentong na inilalawit, Nakilublob na rin sa lublubang putik. . 15. Kaya nga ang dapat ituwid ang lakad, Ang Saligang Batas siyang nagsasaad, Kongreso ay batas ang inaatupag, Di ang sa proyekto ay makikitupad. 16. Ang Kongreso dapat sa aming pananaw, Pag-isahin na lang isang kapulungan, Ating paliitin untian ang bilang, Wala nang pork barrel na pag-aagawan. 17. At bukod pa dyan ang dapat iluklok, Sila na may kayang sa batas lumilok, Hindi ang popular kaipala’y ugok, Na ang tanging hangad sa pork ay sumalok. 18. Mayron ding nagsabi pagdami ng batas, Ay nararagdagan ang dami ng butas, Ang mga kriminal pumasok lumabas, Napaglalalangan ang nagpapatupad. 19. Gawain ng Kongres, tanggapin na namin, Maglaan ng pondo o laang gugulin, Ngunit kalabisang inyo pa ring tupdin Ang sa executive laan na tungkulin. 20. Maari marahil kayo’y sumubaybay, Sa kung ang proyekto’y sa ayos nalagay, Magmatyag na lamang huwag ang makidawdaw, Sa hangad dumakot, manghaba ang kamay. 21. Ngayo’y lumalabas kaya pala gusto, Na nakikialam sa mga proyekto, Yon pala’y malaki ang napoporsyento, Kongreso nga pala’y isang sindikato. 22. Tila ba ang P-DAP handa sa eleksyon, Sardinas at bigas ang inirarasyon, Inilalawit-lawit sa aba at gutom, Ang pamamayagpag nang ipagpatuloy. 23. Kongreso’t senado’y lumabis lumampas, Sa isinasaad ng saligang batas, Tungkuling magbantay gumabay ng landas, Sa kaban ng baya’y sya pang nanlilimas. (Sabi ni Dely Atay-atayan, Mga hudas, hestas, barrabas!) 24. Samantalang silang mga maliliit, Ay dugo at pawis ang itinitigis, Hirap at panganib kusang tinitiis, Makaraos lamang, sa gutom tumawid. 25. Silang mangingisda magdamag sa laot, Walang maiuwi kahit na buraot, May sakit na anak di maipagamot, Pambaon ng bata kaputol na hawot. (tuyo) 26. Silang magsasaka maghapon sa bukid, Babad na sa putik, sa ulan at init, Ang hintay na tulong na mula sa langit, Sa kawatang bihis ay doon sumabit. 27. May kababayan din na nangibang bansa, Sa mga dayuhan ay nagpaalila, Dahil hanapbuhay sa atin ay wala, Pamilyabg iniwan iba’y nanwara. 28. Ang mga proyektong laan sa mahirap, Pinaghahatian ng mga dayupak, Mga umaasang proyekto’y matanggap, Nangagkamatay na, na mata ay dilat. 29. Ang lalong masakit ang pinapangarap, Malagay sa pwestong higit na mataas, Ang pagkaganid ay walang dulo’t sapat, Hindi pa nagkasyang sa ngayon ay bundat. 30. Isang kasalanan paglabag sa sa batas, Sa pera ng bayan sinuma’y kumaltas, Ang parusa’y wala madaling umiwas, Kapag ang lalabag mismong mambabatas. (Ang mambabatas ba’y mataas sa batas?) 31. Your Horror Tongressmen, Senador balakyot, Nakukuha pa ‘nyong gawang mangurakot, Tulong sa mahirap hindi umaabot, Sadya bang sa Diyos wala kayong takot? 32. Hindi kayo takot tamaan ng kidlat, Habang kayo mismo ay nagpapasarap? Baka mabulunan silang inyong anak, Na ang kinakai’y sa nakaw nagbuhat. 33. Sukdulan na ito nitong kabulukan, Mga mismong lider ay bantay salakay, Silang inilagay sa pwesto’t pedestal, Dapat magpamalas ng pananagutan. 34. Sa pagkakaidlip tayo ay gumising, Paglaban sa bulok ay muling buhayin, Ang kalyo ng isip ay ating tanggalin, Kurapsyon sa bayan labana’t bakahin (Korek ka dyan) 35. Huwag tayong magtiis baya’y maghinagpis, Ang mga tiwali ay dapat mawalis, Kapag may pinuno na hindi malinis, Tadyakan sa puwit kung ayaw umalis.. (TOINK) “Tama!!!) 36. Kapangyarihan daw ang ugat at sanhi, Ng mga pinunong bulok at tiwali, Subalit ang sama di mamamayani Kung baya’y di kiming magtuwid ng mali. ##
Posted on: Thu, 22 Aug 2013 06:52:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015