* IDEAL BOYFRIEND * Hinahabol ka niya pag nag-walk out ka. - TopicsExpress



          

* IDEAL BOYFRIEND * Hinahabol ka niya pag nag-walk out ka. Lagi kang napapatawa kahit gaano pa siya ka-korni, napapangiti ka pa rin. Yayakapin ka kahit maraming tao sa paligid. Hahawakan niya ang kamay mo kahit pasmado. Magsosorry sayo kapag ramdam niyang may problema kahit wala siyang kasalanan. Active sa classroom kasi ikaw ang inspirasyon niya. Aakbayan ka niya para lang sabihin sa kamay niya, di ka mapapahamak. Sobrang worried pag di ka nagsasalita. Titingnan ka sa mata tapos ngingiti. Kapag inaamoy niya ang buhok mo tapos sasabihin niyang mabango ka. Naiisip na niya kung anong future niyong dalawa. Sasabihin niyang pakakasalan ka niya kahit hindi pa ngayon. Takot na takot siyang mawala ka. Ihahatid ka niya pauwi o sa sakayan man lang para siguradong safe ka. Sasabihin niyang “magtext ka kapag nakauwi ka na”. Hahalikan ka sa pisngi para sabihing “Ingat ka, mahal na mahal kita, kita na lang tayo bukas”. Kaya kang ipaglaban sa pamilya niya. at higit sa lahat Yung tatawag siya sayo kahit regularload lang ang gamit niya para lang sabihin sayong nakauwi na siya at mahal na mahal ka niya. #MayGanyanPaba ?.
Posted on: Sun, 21 Jul 2013 07:32:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015