Misis ipinagahasa ng live-in partner Ni Raymund Catindig (Pilipino - TopicsExpress



          

Misis ipinagahasa ng live-in partner Ni Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 22, 2013 TUGUEGARAO CITY, Philippines – Sinampahan ng pulisya ng kasong rape ang isang 36-anyos na mister matapos nitong ipahalay ang kanyang live-in partner sa kanyang kaibigan na umano’y nasa impluwensya ng alak habang pinanonood pa nito ang nasabing kalaswaan sa Brgy. Angguan, Rizal, Cagayan kamakalawa. May hang-over pa nang damputin ng mga pulis sina Joy Bambalan 36-anyos na live-in partner ng 22-anyos na biktimang itinago sa pa­ngalang Rita at Oli­ver Palattao, 31 na kaibigan ng mister. Sa ulat, sinabi ni Caga­yan Valley Provincial Police Office Spokesman Supt. Fer­nando Cristobal, luma­labas sa imbestigasyon na langong umuwi si Bambalan at isinama ang kaibigan sa kanilang kuwarto ng ka live-in na nadatnan nilang natutulog. Ayon sa biktima, tinutukan siya ng patalim ng ka-live-in habang kumu­babaw na sa kanya ang hubo’t hubad na kaibigang si Palattao. Nagsuplong ang biktima sa pulisya na nag­resulta sa pagkakaaresto ng mga suspek. philstar/probinsiya/2013/09/22/1236673/misis-ipinagahasa-ng-live-partner
Posted on: Sat, 21 Sep 2013 20:30:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015